Add parallel Print Page Options

Si Hiram sa Tiro ay gumawa sa templo.

13 At nagsugo ang haring Salomon, at ipinasundo si Hiram sa (A)Tiro.

14 Siya'y anak (B)ng isang babaing bao sa lipi ni Nephtali, at ang kaniyang ama (C)ay lalaking taga Tiro, na manggagawa sa tanso; at siya'y puspos ng karunungan, (D)at katalinuhan, at kabihasahan, upang gumawa ng lahat na gawain sa tanso. At siya'y naparoon sa haring Salomon, at ginawa ang lahat niyang gawain.

15 Sapagka't kaniyang tinabas ang (E)dalawang haligi na tanso, na may labing walong siko ang taas ng bawa't isa: at isang panukat na pisi na may labing dalawang siko ay maipalilibid sa bilog ng alinman sa bawa't isa.

Read full chapter