Font Size
1 Mga Hari 7:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 7:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Gumawa pa siya ng dalawang palamuting animo'y kadena na pinalawit niya sa dakong ibaba ng kapitel, pitong likaw bawat kapitel. 18 Naghulma pa siya ng mga hugis granadang tanso na inilagay niya sa ibaba at itaas ng palamuting kadena, dalawang hanay bawat korona ng haligi.
19 Ang mga korona naman ng mga haligi ay hugis bulaklak ng liryo at dalawang metro ang taas.
Read full chapter