Font Size
1 Mga Hari 7:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 7:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Ang gusaling tinatawag na Gubat ng Lebanon ay may apatnapu't limang metro ang haba, dalawampu't dalawa't kalahating metro ang luwang at labingtatlo't kalahating metro ang taas. Ang gusaling ito ay may apat na hanay ng haliging sedar, na siyang kinapapatungan ng mga bigang sedar. 3 Sedar din ang bubong ng mga silid na nakapatong sa apatnapu't limang haligi. 4 Tatlong hanay ang mga bintana, at ang mga ito'y magkakatapat.
Read full chapter