Font Size
1 Mga Hari 7:21-23
Magandang Balita Biblia
1 Mga Hari 7:21-23
Magandang Balita Biblia
21 Ang mga haliging ito ay itinayo sa pasilyong nasa harap ng Templo, sa magkabilang tabi ng pinto. Ang kanan ay tinawag na Jaquin[a] at ang kaliwa'y Boaz.[b] 22 At sa ibabaw ng mga haligi'y nilagyan ng mga kapitel na hugis-liryo. Dito natapos ang paggawa ng mga haligi.
Ang Tansong Ipunan ng Tubig(A)
23 Gumawa si Hiram ng isang malaking ipunan ng tubig apat at kalahating metro ang luwang ng labi nito, dalawa't kalahating metro ang lalim at labingtatlo't kalahating metro naman ang sukat sa pabilog.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 7:21 JAQUIN: Sa wikang Hebreo, ang salitang ito'y kasintunog ng salitang “siya ang nagpapatatag”.
- 1 Mga Hari 7:21 BOAZ: Sa wikang Hebreo, ang salitang ito'y kasintunog ng salitang “siya ang nagpapalakas”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.