Font Size
1 Mga Hari 8:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Mga Hari 8:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nagpuri si Solomon kay Yahweh(A)
14 Pagkatapos, humarap si Solomon sa buong bayan at sila'y binasbasan. 15 Wika niya, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon, 16 ‘Mula(B) pa nang ilabas ko sa Egipto ang aking bayang Israel hanggang ngayon, hindi ako pumili ng alinmang lunsod sa labindalawang lipi upang ipagtayo ako ng Templo na kung saa'y sasambahin ang aking pangalan. Ngunit pinili ko si David upang mamuno sa aking bayan.’
Read full chapter