Add parallel Print Page Options

33 Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, (A)dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, (B)at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:

34 Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang.

35 Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, (C)dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y dumalangin sa dakong ito, at ipahayag ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinighati sila:

Read full chapter