Add parallel Print Page Options

46 Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (A)(sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag (B)sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;

47 Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili (C)sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, (D)Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan;

48 Kung sila'y bumalik sa iyo ng buong puso nila (E)at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway, na nagdala sa kanilang bihag, at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain, (F)na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, na bayang pinili mo, at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:

Read full chapter