Add parallel Print Page Options

61 Kaya't maging sakdal nawa (A)ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.

62 At ang hari, (B)at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.

63 At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon.

Read full chapter