Add parallel Print Page Options

23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, (A)na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

24 Nguni't ang (B)anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay (C)na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang (D)Millo.

25 At makaitlo sa (E)isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.

Read full chapter