1 Mga Hari 9:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod (A)sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:
7 Akin ngang ihihiwalay ang Israel (B)sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, (C)ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng (D)lahat ng bayan:
8 At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa (E)bahay na ito?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978