Add parallel Print Page Options

ay aking ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila. Ang bahay na ito na aking ginawang banal para sa aking pangalan ay aking aalisin sa aking paningin, at ang Israel ay magiging kawikaan at kukutyain sa gitna ng lahat ng tao.

At(A) bagaman ang bahay na ito ay mataas, ang bawat magdaan sa kanya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, ‘Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?’

At sila'y sasagot, ‘Sapagkat kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Diyos na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Ehipto, at yumakap sa ibang mga diyos, at sinamba nila at pinaglingkuran nila; kaya't ipinaranas ng Panginoon sa kanila ang lahat ng kasamaang ito.’”

Read full chapter