Add parallel Print Page Options

13 Ang ikasangpung pinuno sa ikasangpung buwan ay si Maharai na Nethophathita sa mga Zarahita: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

14 Ang ikalabing isang pinuno sa ikalabing isang buwan ay si Benaias na Piratonita, sa mga anak ni Ephraim: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

15 Ang ikalabing dalawang pinuno sa ikalabing dalawang buwan ay si Heldai na Nethophatita, sa Othniel: at sa kaniyang bahagi ay dalawang pu't apat na libo.

Read full chapter