Add parallel Print Page Options

11 Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12 Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinag­lingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.

Magpakabanal Kayo

13 Kaya nga, ihanda ninyo ang inyong isipan gaya ng pagkabigkis ng baywang. Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip. Lubos kayong umasa sa biyayang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesucristo.

Read full chapter