Font Size
1 Pedro 2:9-11
Ang Biblia (1978)
1 Pedro 2:9-11
Ang Biblia (1978)
9 Datapuwa't kayo'y (A)isang lahing hirang, isang makaharing (B)pagkasaserdote, (C)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (D)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
10 Na (E)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
11 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, (F)na nakikipaglaban sa kaluluwa;
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978