Add parallel Print Page Options

Sa halip, ang pagandahin ninyo ay ang nakatagong pagkatao, isang hiyas na walang kupas, maamo at mapayapang diwa, bagay na napakahalaga sa paningin ng Diyos. Iyan ang kagandahang ipinakita ng mga banal na babae noong unang panahon. Umasa sila sa Diyos at nagpasakop sa kanilang mga asawa. Tulad (A) ni Sarah, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mga anak ni Sarah kung tama ang inyong ginagawa at kayo'y hindi nagpapadaig sa takot.

Read full chapter