Font Size
1 Samuel 1:20-22
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 1:20-22
Ang Biblia, 2001
20 Sa takdang panahon, si Ana ay naglihi at nanganak ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Samuel.[a] Sapagkat sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”
21 At ang lalaking si Elkana at ang buong sambahayan niya ay naglakbay upang maghandog sa Panginoon ng taunang alay at upang tuparin ang kanyang panata.
22 Ngunit si Ana ay hindi naglakbay sapagkat sinabi niya sa kanyang asawa, “Sa sandaling ang bata'y maihiwalay sa pagsuso ay dadalhin ko siya upang siya'y humarap sa Panginoon, at manatili roon magpakailanman.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 1:20 Samakatuwid ay hiningi sa Diyos .