Add parallel Print Page Options

10 Pagkatapos(A) ay dumaing sila kay Yahweh at kanilang sinabi, ‘Nagkasala kami sapagkat tinalikuran ka namin. Naglingkod kami kay Baal at kay Astarot. Iligtas mo kami ngayon sa aming mga kaaway at maglilingkod kami sa iyo.’ 11 At(B) ipinadala sa kanila ni Yahweh sina Gideon,[a] Barak,[b] Jefte, at Samuel; iniligtas nila kayo at pinangalagaan laban sa inyong mga kaaway kaya't mapayapa kayong nakapamuhay. 12 Ngunit(C) nang kayo'y sasalakayin ni Nahas na hari ng mga Ammonita, ipinagpilitan ninyong, “Basta, gusto naming isang hari ang mamuno sa amin,” bagama't alam ninyong si Yahweh na inyong Diyos ang inyong hari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11 Gideon: o kaya'y Jerubaal .
  2. 11 Barak: o kaya'y Bedan .