Add parallel Print Page Options

Sinabi(A) ni Samuel, “Siya nga ang saksi,[a] si Yahweh na pumili kina Moises at Aaron, at siya rin ang nagligtas sa inyong mga ninuno mula sa kamay ng mga Egipcio. Kaya nga, tumayo kayong lahat sa harapan niya at iisa-isahin ko ang mga kabutihan niyang ginawa sa inyo at sa inyong mga ninuno. Nang(B) si Jacob at ang buo niyang sambahayan ay manirahan sa Egipto, sila'y inalipin ng mga Egipcio.[b] Humingi ng tulong kay Yahweh ang inyong mga magulang at ibinigay sa kanila sina Moises at Aaron. Sa pangunguna ng mga ito, sila'y inilabas niya sa Egipto at dinala sa lupaing ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Siya nga ang saksi: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  2. 8 sila'y inalipin ng mga Egipcio: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.