Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) nilimot nila ang Panginoon nilang Diyos. Kanyang ipinagbili sila sa kamay ni Sisera, na pinuno ng hukbo ni Hazor, at sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari sa Moab; at sila'y nakipaglaban sa kanila.

10 Sila'y(B) dumaing sa Panginoon at nagsabi, ‘Kami ay nagkasala, sapagkat tinalikuran namin ang Panginoon at naglingkod kami sa mga Baal at sa mga Astarot; ngunit ngayo'y iligtas mo kami sa kamay ng aming mga kaaway at kami ay maglilingkod sa iyo.’

11 Kaya't(C) isinugo ng Panginoon sina Jerubaal, Bedan,[a] Jefta, at si Samuel, at iniligtas kayo sa kamay ng inyong mga kaaway sa bawat dako, at kayo'y nanirahang tiwasay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 12:11 o Barak .