Add parallel Print Page Options

15 At bumangon si Samuel at umahon siya mula sa Gilgal hanggang sa (A)Gabaa ng Benjamin. At binilang ni Saul ang bayan na nakaharap sa kaniya, (B)na may anim na raang lalake.

16 At si Saul, at si Jonathan na kaniyang anak, at ang bayan na nakaharap sa kanila, ay tumigil sa Geba ng Benjamin: nguni't ang mga Filisteo ay humantong sa Michmas.

17 At ang mga mananamsam ay (C)lumabas na tatlong pulutong sa kampamento ng mga Filisteo; ang isang pulutong ay lumiko sa daan na patungo sa (D)Ophra, na patungo sa lupain ng Sual:

Read full chapter