Font Size
1 Samuel 14:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 14:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 At lumakad na silang dalawa. Nang matanaw sila ng mga Filisteo, sinabi ng mga ito, “Hayun, naglalabasan na sa lungga ang mga Hebreo.” 12 At hiniyawan nila sina Jonatan, “Halikayo rito at may sasabihin kami sa inyo.”
Sinabi ni Jonatan sa tagadala niya ng sandata, “Sumunod ka sa akin. Niloob ni Yahweh na sila'y mahulog sa kamay ng Israel.” 13 Nagmamadali siyang umakyat sa matarik na bato, at sinalakay ang mga Filisteo. Bumabagsak ang bawat makaharap niya at ang mga ito'y pinapatay naman ng tagadala niya ng sandata.
Read full chapter