Font Size
1 Samuel 14:14-16
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 14:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Sa unang pagpatay na iyon na ginawa ni Jonathan at ng kanyang tagadala ng sandata, may dalawampung lalaki ang napatay sa nasasakupan ng kalahating tudling sa isang acre[a] ng lupa.
15 Nagkaroon ng kaguluhan sa kampo, sa parang, at sa buong bayan. Ang himpilan at ang mga mandarambong ay nanginig din; nayanig ang lupa, at ito'y naging isang napakalaking pagkasindak.
Nagapi ang mga Filisteo
16 Ang mga bantay ni Saul sa Gibea ng Benjamin ay nakamasid habang ang napakaraming tao ay nagpaparoo't parito.
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 14:14 Katumbas ng bahagi ng nabungkal ng baka sa maghapon.