Add parallel Print Page Options

20 Sinalakay ni Saul at ng kanyang mga tauhan ang mga Filisteo na dinatnan nilang nagkakagulo, sila-sila'y nagtatagaan. 21 Ang mga Hebreo namang kasama ng mga Filisteo ay pumanig na sa mga Israelita. 22 Pati ang mga Israelitang nagtatago sa kabundukan ng Efraim ay sumama na rin sa pagsalakay sa mga Filisteo.

Read full chapter