Font Size
1 Samuel 14:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 14:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Sabihin ninyo sa mga tao na magdala rito ng baka o tupa at dito nila papatayin at kakanin para hindi sila magkasala kay Yahweh dahil sa pagkain ng dugo.” Kinagabihan, ang mga Israelita'y nagdala ng mga baka at doon pinatay. 35 Si Saul nama'y nagtayo ng altar para kay Yahweh; ito ang unang altar na kanyang ginawa.
36 Sinabi ni Saul sa kanyang mga tauhan, “Mamayang gabi, lulusubin natin ang mga Filisteo at lilipulin natin sila hanggang sa mag-umaga; wala tayong ititirang buháy sa kanila.”
Sumagot sila, “Kayo po ang masusunod.”
Ngunit sinabi ng pari, “Sumangguni muna tayo sa Diyos.”
Read full chapter