Font Size
1 Samuel 14:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 14:36-38
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
36 Sinabi ni Saul sa kanyang mga tauhan, “Mamayang gabi, lulusubin natin ang mga Filisteo at lilipulin natin sila hanggang sa mag-umaga; wala tayong ititirang buháy sa kanila.”
Sumagot sila, “Kayo po ang masusunod.”
Ngunit sinabi ng pari, “Sumangguni muna tayo sa Diyos.”
37 Sumangguni nga si Saul sa Diyos, “Lulusubin na po ba namin ang mga Filisteo? Pagtatagumpayin po ba ninyo kami?” Ngunit hindi siya sinagot ng Diyos. 38 Kaya't sinabi niya, “Magsama-sama ang lahat ng pinuno ng Israel para malaman natin kung sino ang nagkasala.
Read full chapter