Add parallel Print Page Options

45 At sinabi ng bayan kay Saul, Mamamatay ba si Jonathan, na gumawa nitong dakilang kaligtasan sa Israel? Malayo nawa: (A)buhay ang Panginoon, (B)hindi malalaglag ang isang buhok ng kaniyang ulo sa lupa; sapagka't siya'y gumawa na kasama ng Dios sa araw na ito. Sa gayo'y iniligtas ng bayan si Jonathan, na anopa't siya'y hindi namatay.

46 Nang magkagayo'y umahon si Saul na mula sa pagsunod sa mga Filisteo: at ang mga Filisteo ay naparoon sa kanilang sariling dako.

Mga digma ni Saul at ang kaniyang sangbahayan.

47 Nang masakop nga ni Saul ang kaharian sa Israel, ay bumaka siya laban sa lahat niyang mga kaaway sa bawa't dako, laban sa Moab, at laban sa mga anak ni (C)Ammon, at laban sa Edom, at laban sa mga hari sa (D)Soba, at laban sa mga Filisteo: at saan man siya pumihit ay kaniyang binabagabag sila.

Read full chapter