Add parallel Print Page Options

Pinangunahan niya ang mga ito papunta sa Lunsod ng Amalek. Nag-abang sila sa isang natuyong ilog na malapit doon at nagpasugo sa mga Cineo at ipinasabi niya, “Umalis na kayo riyan. Humiwalay kayo sa mga Amalekita para hindi kayo madamay sa kanila sapagkat pinagpakitaan ninyo kami ng mabuti sa aming paglalakbay mula sa Egipto.” Kaya't umalis ang mga Cineo.

Sinalakay nina Saul ang mga Amalekita at tinalo ang mga ito mula sa Avila hanggang sa Sur, sa silangan ng Egipto.

Read full chapter