Add parallel Print Page Options

Pinili si David

12 At sinundo nga ang anak na ito ni Jesse. Siya'y makisig na binatilyo, malusog at maganda ang mga mata.

At sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Siya ang pinili ko; buhusan mo siya ng langis.” 13 Kinuha ni Samuel ang sungay na sisidlan ng langis, at binuhusan niya si David ng langis sa harapan ng kanyang mga kapatid. At nilukuban si David ng Espiritu[a] ni Yahweh. Mula noon, sumakanya na ang Espiritu[b] ni Yahweh. Pagkatapos, si Samuel ay bumalik naman sa Rama.

Naglingkod si David kay Saul

14 Samantala, ang Espiritu[c] ni Yahweh ay umalis na kay Saul at sa pahintulot ni Yahweh, isang masamang espiritu naman ang nagpahirap kay Saul.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 16:13 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  2. 1 Samuel 16:13 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  3. 1 Samuel 16:14 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .