Add parallel Print Page Options

17 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya.

18 Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Beth-lehemita, na bihasa sa panunugtog, (A)at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, (B)at ang Panginoon ay sumasa kaniya.

19 Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, (C)Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa.

Read full chapter