Font Size
1 Samuel 16:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 16:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 Kaya't nagpadala ng mga sugo si Saul kay Jesse at ipinasabi, “Papuntahin mo sa akin ang anak mong si David, ang pastol ng iyong mga tupa.” 20 Ganoon nga ang ginawa ni Jesse. Pinagdala pa niya si David ng isang sisidlang puno ng alak, isang batang kambing at isang asnong may kargang tinapay upang ibigay kay Saul. 21 Naglingkod si David kay Saul at nagustuhan naman niya ito, kaya ito'y ginawa niyang tagapagdala ng kanyang sandata.
Read full chapter