Add parallel Print Page Options

Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (A)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (B)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.

Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si (C)Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.

Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si (D)Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.

Read full chapter