Font Size
1 Samuel 17:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 17:1-2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Hamon ni Goliat
17 Nagsama-sama ang mga hukbong Filisteo sa Soco na sakop ng Juda upang lusubin ang Israel. Nagkampo sila sa Efes-Dammim na nasa pagitan ng Soco at Azeka. 2 Si Saul naman at ang mga Israelita ay nagkampo sa may libis ng Ela, at doo'y naghanda sila sa pakikipaglaban sa mga Filisteo.
Read full chapter