Add parallel Print Page Options

16 At lumalapit ang Filisteo sa umaga at hapon, at humarap na apat na pung araw.

Si David ay dumalaw sa kampamento at narinig ang hamon ni Goliath.

17 At sinabi ni Isai kay David na kaniyang anak, Dalhin mo ngayon sa iyong mga kapatid ang isang epa nitong trigo na sinangag, at itong sangpung tinapay, at dalhin mong madali sa kampamento, sa iyong mga kapatid;

18 At dalhin mo ang sangpung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo, (A)at tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid, at kumuha ka ng pinakakatunayan.

Read full chapter