Add parallel Print Page Options

22 At iniwan ni David ang kaniyang daladalahan sa kamay ng tagapagingat ng (A)daladalahan, at tumakbo sa hukbo, at naparoon, at bumati sa kaniyang mga kapatid.

23 At sa kaniyang pakikipagusap sa kanila, narito, dumating (B)ang bayani, ang Filisteo na taga Gath, na Goliath ang pangalan, mula sa hanay ng mga Filisteo, (C)at nagsalita ng ayon sa mga gayon ding salita: at narinig ni David.

24 At lahat ng mga lalake sa Israel pagkakita sa lalaking yaon ay tumakas mula sa kaniyang harapan, at natakot na mainam.

Read full chapter