Font Size
1 Samuel 17:53-55
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 17:53-55
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
53 At nang magbalik ang mga Israelita buhat sa paghabol sa mga Filisteo, hinalughog nila ang kampo ng mga ito at kinuha ang lahat ng kanilang magustuhan. 54 Dinala ni David sa Jerusalem ang ulo ni Goliat, ngunit iniuwi niya sa kanyang tolda ang mga sandata nito.
Iniharap si David kay Saul
55 Nakita ni Saul nang sinusugod ni David si Goliat. Itinanong niya sa pinuno ng kanyang hukbo, “Abner, kaninong anak ang batang iyon?”
“Hindi ko po alam, Kamahalan,” sagot ni Abner.
Read full chapter