Add parallel Print Page Options

Iniharap si David kay Saul

55 Nakita ni Saul nang sinusugod ni David si Goliat. Itinanong niya sa pinuno ng kanyang hukbo, “Abner, kaninong anak ang batang iyon?”

“Hindi ko po alam, Kamahalan,” sagot ni Abner.

56 “Kung gayo'y ipagtanong mo kung sino ang kanyang ama,” utos ng hari.

57 Nang magbalik si David, sinalubong siya ni Abner at sinamahan sa hari, dala pa rin ang ulo ni Goliat.

Read full chapter