Font Size
1 Samuel 18:5-7
Ang Biblia (1978)
1 Samuel 18:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At lumalabas si David saan man suguin ni Saul, at siya'y nagpakabait: at inilagay ni Saul siya sa mga lalaking mangdidigma, at minabuti ng paningin ng buong bayan, at gayon din ng paningin ng mga lingkod ni Saul.
6 At nangyari pagdating nila, nang bumalik si David mula sa pagpatay sa Filisteo, na ang mga babae ay (A)lumabas mula sa lahat ng mga bayan ng Israel, na nagaawitan at nagsasayawan, upang salubungin ang haring si Saul, ng mga pandereta, ng kagalakan, at ng panugtog ng tugtugin.
7 (B)At nagaawitan ang mga babae sa kanilang pagtugtog, at sinasabi,
Pinatay ni (C)Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksa-laksa.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978