Add parallel Print Page Options

Sapagka't kaniyang ipinain ang (A)kaniyang buhay, (B)at sinaktan ang Filisteo, (C)at gumawa ang Panginoon ng dakilang pagtatagumpay sa ganang buong Israel: nakita mo at nagalak ka; bakit nga magkakasala ka laban sa (D)walang salang dugo, na papatayin si David ng walang anomang kadahilanan?

At dininig ni Saul ang tinig ni Jonathan; at sumumpa si Saul: Buhay ang Panginoon, siya'y hindi papatayin.

At tinawag ni Jonathan si David, at isinaysay ni Jonathan sa kaniya ang lahat ng mga bagay na yaon. At dinala ni Jonathan si David kay Saul, at siya'y lumagay sa (E)kaniyang harap, na gaya ng dati.

Read full chapter