1 Samuel 19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Namagitan si Jonatan kay Saul para kay David
19 Minsan, nasabi ni Saul sa anak niyang si Jonatan at sa kanyang mga tauhan ang balak niyang pagpatay kay David. Ngunit mahal ni Jonatan si David, kaya sinabi niya rito ang balak ng kanyang ama. 2 Ang sabi niya, “Pinagbabalakan kang patayin ng aking ama. Bukas ng umaga, magtago ka sa isang lihim na lugar. 3 Yayayain ko naman ang aking ama sa may pinagtataguan mo at kakausapin ko tungkol sa iyo. Pagkatapos naming mag-usap sasabihin ko agad sa iyo ang anumang sasabihin niya.”
4 Kinausap nga ni Jonatan ang kanyang ama tungkol kay David. “Ama, huwag po sana ninyong gawan ng masama si David sapagkat wala naman siyang ginagawang masama sa inyo. Sa halip, malaki nga ang pakinabang ninyo sa kanya. 5 Itinaya niya ang kanyang buhay nang harapin niya si Goliat at niloob naman ni Yahweh na magtagumpay siya para sa Israel. Alam ninyo ito at inyo pang ipinagdiwang. Bakit ninyo gustong patayin ang isang taong walang kasalanan? Bakit gusto ninyong patayin si David nang wala namang sapat na dahilan?”
6 Dahil dito, nagbago ng isip si Saul. Sinabi niya, “Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] hindi ko na siya papatayin.” 7 Ang sagot na ito ng hari ay sinabi naman ni Jonatan kay David. Isinama pa siya ni Jonatan sa hari, at tulad ng dati, pinaglingkuran niya ito.
Iniligtas ni Mical si David
8 Muling nagkaroon ng labanan ang mga Israelita at mga Filisteo. Sinalakay ni David ang mga Filisteo at natalo niya ang mga ito, kaya ang mga natirang buháy ay nagsitakas.
9 Minsan, muling nilukuban si Saul ng isang masamang espiritu mula kay Yahweh. Nakaupo si Saul noon at hawak ang kanyang sibat samantalang si David ay tumutugtog ng alpa. 10 Walang anu-ano'y sinibat niya si David ngunit nakailag ito at ang sibat ay tumusok sa dingding. Dahil dito, patakbong tumakas si David.
11 Kinagabihan,(A) (B) pinabantayan ni Saul ang bahay ni David dahil balak niyang patayin ito kinabukasan. Kaya't sinabi ni Mical, “David, tumakas ka ngayong gabi, kung hindi'y papatayin ka nila bukas.” 12 At pinaraan niya ito sa bintana para makatakas. 13 Pagkatapos, kinuha ni Mical ang isang rebultong nasa bahay at siyang inihiga sa kanilang higaan. Ang ulo nito'y binalutan niya ng balahibo ng kambing, saka kinumutan.
14 Nang dumating ang mga inutusan ni Saul upang kunin si David, sinabi ni Mical, “May sakit siya.”
15 Pinabalik ni Saul ang kanyang mga sugo at pinagbilinan ng ganito, “Buhatin ninyo pati higaan niya at ako ang papatay sa kanya.” 16 Nagbalik nga ang mga sugo ni Saul ngunit ang nakita nila sa higaan ay ang rebultong may buhok na balahibo ng kambing. 17 Tinawag ni Saul si Mical, “Bakit mo ako nilinlang? Bakit mo pinatakas ang aking kaaway?”
Sumagot si Mical, “Papatayin niya ako kung hindi ko siya pinabayaang tumakas.”
18 Tumakas nga si David at nagpunta kay Samuel sa Rama. Sinabi niya rito ang lahat ng ginawa sa kanya ni Saul. Sumama siyang umuwi kay Samuel sa Nayot at doon nanirahan. 19 May nagsabi kay Saul, “Si David ay nasa Nayot sa Rama.” 20 Muling nagsugo ito ng mga tauhan upang hulihin si David. Ngunit nang makita ng mga sugo ni Saul ang mga propetang nagsisigawan at nagsasayawan sa pangunguna ni Samuel, nilukuban din sila ng Espiritu[b] ng Diyos at sila'y nagsipagsigawan at nagsipagsayawan na tulad din ng mga propeta. 21 Nang mabalitaan ito ni Saul, nagsugo siya ng isa pang pangkat ngunit natulad rin ito sa una. Nang magsugo naman siya ng pangatlong pangkat, ganoon din ang nangyari. 22 Nang magkagayon, siya na mismo ang nagpunta sa Rama. Pagdating niya sa may malaking balon sa Secu, ipinagtanong niya kung saan makikita sina Samuel at David. Sinabi ng napagtanungan na sila'y nasa Nayot ng Rama. 23 Kaya't nagpunta siya sa Rama. Subalit habang siya'y naglalakbay papuntang Nayot, nilukuban siya ng Espiritu[c] ng Diyos. At siya'y nagsasayaw at nagsisigaw na tulad ng propeta hanggang sa makarating ng Nayot. 24 Pagdating doon, hinubad niya ang kanyang kasuotan, nagsisigaw at nagsasayaw sa harapan ni Samuel. Dahil dito, nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?”
1 Samuel 19
Complete Jewish Bible
19 Sha’ul told Y’honatan his son and all his servants that they should have David killed. But because Y’honatan was very fond of David, 2 he told him, “My father Sha’ul is out to have you killed. Therefore you must be very cautious tomorrow morning. Find a well-concealed place to hide in. 3 I will go out and stand next to my father in the countryside where you’re hiding. I will talk with my father about you; and if I learn anything, I’ll tell you.”
4 Y’honatan spoke well of David to Sha’ul his father and said to him, “The king shouldn’t sin against his servant David, because he hasn’t sinned against you. On the contrary, his work for you has been very good indeed. 5 He put his life in his hands to attack the P’lishtim, and Adonai accomplished a great victory for all Isra’el. You yourself saw it, and you were happy about it. So why do you want to sin against innocent blood by killing David without any reason?” 6 Sha’ul heeded Y’honatan’s advice and swore, “As Adonai lives, he will not be put to death.” 7 Y’honatan called David and told him all these things. Then Y’honatan brought David to Sha’ul to be in attendance on the king, as before.
8 War broke out again, and David went and fought the P’lishtim. He defeated them with a great slaughter, and they fled before him. 9 Then an evil spirit from Adonai came upon Sha’ul, as he sat in his house with his spear in his hand. David was playing his lyre, 10 when Sha’ul tried to pin David to the wall with the spear. But he dodged it and moved out of Sha’ul’s way, so that the spear stuck in the wall. David fled, so that night he escaped.
11 But Sha’ul sent messengers to David’s house to watch for him and kill him in the morning. Mikhal David’s wife told him, “If you don’t save your life tonight, tomorrow you’ll be dead.” 12 So Mikhal let David down through the window; and he left, fled and escaped. 13 Mikhal took the household idol, laid it on the bed, put a goat’s-hair quilt at its head and covered it with a cloth. 14 When Sha’ul sent messengers to capture David, she said, “He’s ill.” 15 Sha’ul sent the messengers to see David with the order, “Bring him up to me, bed and all, so that I can kill him.” 16 But when the messengers entered, there before them was the household idol in the bed, with the goat’s-hair quilt at its head. 17 Sha’ul asked Mikhal, “Why did you deceive me this way and let my enemy go and escape?” Mikhal answered Sha’ul, “He threatened me, ‘Let me go, or I’ll kill you.’”
18 David fled and escaped, then came to Sh’mu’el in Ramah and told him everything Sha’ul had done to him. So he and Sh’mu’el went and stayed in the prophets’ dormitory. 19 The news reached Sha’ul that David had been seen at the prophets’ dormitory in Ramah. 20 Sha’ul sent messengers to capture David. But when they saw the group of prophets prophesying, with Sh’mu’el standing and leading them, the Spirit of God fell on Sha’ul’s messengers; and they too began prophesying. 21 When Sha’ul was told, he sent other messengers; but they too began prophesying. Sha’ul sent messengers a third time, and they also prophesied. 22 Then he himself went to Ramah. When he arrived at the big cistern in Sekhu, he asked, “Where are Sh’mu’el and David?” Someone answered, “They’re at the prophets’ dormitory in Ramah.” 23 While on his way to the prophets’ dormitory in Ramah, the Spirit of God fell on him too; and he went on, prophesying, until he arrived at the prophets’ dormitory in Ramah. 24 He also stripped off his clothes, prophesied in Sh’mu’el’s presence and lay there naked all that day and all that night. Hence it continues to be an expression, “Is Sha’ul a prophet, too?”
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.