Add parallel Print Page Options

39 Ngunit walang nalalamang anuman ang bata. Sina Jonathan at David lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kasunduan.

40 Ibinigay ni Jonathan ang kanyang sandata sa bata at sinabi sa kanya, “Umalis ka na at dalhin mo ang mga ito sa lunsod.”

41 Pagkaalis ng bata, si David ay tumindig mula sa tabi ng bato[a] at sumubsob sa lupa, at yumukod ng tatlong ulit. Hinalikan nila ang isa't isa, kapwa umiyak ngunit si David ay umiyak nang labis.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 20:41 Sa Hebreo ay mula sa tabi ng timog .