Add parallel Print Page Options

39 Walang kaalam-alam ang bata kung ano ang kahulugan ng mga pangyayari. Sina David at Jonatan lang ang nakakaalam. 40 Pagkatapos, ibinigay ni Jonatan ang mga palaso sa bata at sinabi, “Dalhin mo ito pabalik sa bayan.”

41 Nang makaalis na ang bata, lumabas si David sa batong pinagtataguan niya at lumuhod sa harap ni Jonatan ng tatlong beses na ang mukhaʼy nakadikit sa lupa bilang paggalang. Niyakap[a] nila ang isaʼt isa na kapwa umiiyak, pero mas malakas ang iyak ni David.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:41 Niyakap: sa Hebreo, Hinagkan.