Add parallel Print Page Options

Sumagot ang pari, “Narito ang espada ng Filisteong si Goliat na pinatay mo sa Lambak ng Elah. Nakabalot ito sa tela at nasa likod ng espesyal na damit[a] ng mga pari. Kunin mo kung gusto mo, wala nang iba pang espada rito kundi iyon lang.” Sinabi ni David, “Ibigay mo iyon sa akin. Wala ng ibang kapareho iyon.”

10 Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Akish ng Gat. 11 Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, “Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng,

    ‘Libu-libo ang napatay ni Saul,
    tig-sasampung libo naman ang kay David?’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:9 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.”