Add parallel Print Page Options

12 Pagdating nila ay sinabi ni Saul, “Makinig ka sa akin, anak ni Ahitub.” “Nakikinig po ako, Mahal na Hari,” sagot ni Ahimelec. 13 Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nakipagsabwatan kay David laban sa akin? Bakit binigyan mo pa siya ng pagkain at espada? Bakit nagtanong ka pa sa Dios para sa kanya? Hindi mo ba alam na nagrerebelde siya sa akin at binabalak niya akong patayin?” 14 Sumagot si Ahimelec, “Hindi po baʼt si David ay manugang ninyo at pinakamatapat ninyong lingkod? Bukod pa roon, siya po ang kapitan ng mga guwardya ninyo at iginagalang siya sa inyong sambahayan.

Read full chapter