Add parallel Print Page Options

18 Kaya si Doeg na lang ang inutusan ng hari na pumatay sa mga pari, at pinatay naman sila ni Doeg. Nang araw na iyon 85 pari[a] ang pinatay ni Doeg. 19 Ipinapatay din ni Saul ang lahat ng nakatira sa Nob, ang bayan ng mga pari: ang mga lalaki, babae, kabataan, sanggol, baka, asno, at mga tupa. 20 Pero nakatakas si Abiatar na anak ni Ahimelec, at sumama kay David.

Read full chapter

Footnotes

  1. 22:18 pari: sa literal, ang mga nakasuot ng espesyal na damit.