Font Size
1 Samuel 22:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 22:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Kaya, si Doeg ang inutusan ni Saul, “Ikaw ang pumatay sa kanila.” Sumunod naman si Doeg at nang araw na iyon, pinatay niya ang walumpu't limang paring nakasuot ng efod. 19 At ipinapatay rin ni Saul ang lahat ng mga taga-Nob, isang lunsod ng mga pari: mga babae't lalaki, ang mga bata at mga sanggol, ang mga baka, asno at mga tupa.
20 Ngunit nakatakas si Abiatar na anak ni Ahimelec, at siya'y nagpunta kay David.
Read full chapter