Font Size
1 Samuel 25:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 25:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 Binantayan po nila kami araw-gabi sa aming pagpapastol. 17 Pag-isipan po ninyo kung ano ang mabuting gawin ngayon, sapagkat ang nangyari ay tiyak na magbubunga ng masama sa aming panginoon at sa buo niyang sambahayan. Hindi naman namin masabi sa kanya ito sapagkat matigas ang ulo niya; tiyak na hindi niya kami papakinggan.”
18 Dali-daling naghanda si Abigail ng dalawandaang tinapay. Pinuno niya ng alak ang dalawang sisidlan, nagpapatay ng limang tupa, nagpakuha ng limang takal ng sinangag na trigo, sandaang kumpol ng pasas at dalawandaang tinapay na igos; lahat ng ito'y ikinarga niya sa mga asno.
Read full chapter