Add parallel Print Page Options

Ang kay Nabal na pagtanggi.

At nang dumating ang mga bataan ni David, kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David, at nagsitahimik.

10 At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David, at nagsabi, (A)Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito (B)na nagsisilayas bawa't isa sa kaniyang panginoon.

11 Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan?

Read full chapter