Font Size
1 Samuel 27:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 27:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Doon nanirahan sina David, kasama ang mga asawa niyang si Ahinoam na taga-Jezreel at si Abigail na biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Kasama naman ng kanyang mga tauhan ang kani-kanilang pamilya. 4 Nang mabalitaan ni Saul na si David ay nasa Gat, itinigil nga niya ang paghahanap dito.
5 Sinabi ni David kay Aquis, “Kung mamarapatin mo, bigyan mo kami ng isang maliit na bayan sa lalawigan upang doon manirahan. Hindi nararapat na kami ay kasama mong naninirahan dito sa iyong maharlikang lunsod.”
Read full chapter