Font Size
1 Samuel 28:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 28:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Itinanong(A) ng babae, “Kaninong espiritu ang gusto mong tawagin ko?”
“Kay Samuel,” sagot niya.
12 Nang makita ng babae si Samuel, napasigaw ito. Sinabi niya kay Saul, “Bakit ninyo ako nilinlang? Kayo pala si Haring Saul!”
13 Sinabi ni Saul, “Huwag kang matakot. Ano ba ang nakita mo?”
“Isang espiritu na lumilitaw mula sa lupa,” sagot ng babae.
Read full chapter