1 Samuel 29:1-3
Ang Biblia (1978)
Pinisan ng mga Filisteo ang kanilang hukbo sa Aphec.
29 Pinisan nga ng mga (A)Filisteo ang lahat nilang hukbo sa (B)Aphec: at ang mga taga Israel ay humantong sa (C)bukal na nasa (D)Jezreel.
2 At ang mga (E)pangulo ng mga Filisteo ay nagdadaan na mga daan daan, at mga libolibo: at si David at ang kaniyang mga tao ay nagdadaan sa mga huli na (F)kasama ni Achis.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo, Ano ang mga Hebreong ito? At sumagot si Achis sa mga prinsipe ng mga Filisteo, Hindi ba ito ay si David na lingkod ni Saul na hari sa Israel na napasa akin (G)ng mga araw na ito, o ng mga taong ito, at hindi ako nakasumpong ng (H)anomang kakulangan sa kaniya mula nang siya'y (I)lumapit sa akin hanggang sa araw na ito?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978